Monday, October 17, 2011

PAO handang bigyan ng free legal assistance ang suspect ng SM North Edsa Shooting Incident.


Nailipat na sa kustodiya ng Quezon City Female Dormitory sa Camp Karingal si Shiela Macapugay ,  ang suspek sa pamamaril ng sariling asawa at ng isang security guard sa SM North EDSA Annex noong September 14 ngayong taon.

Kasong paricide at murder ang kinakaharap na kaso ngayon ni Shiela.

Dito nakausap ng personal ni Public Attorney’s Office Chief Atty Persida Acosta, si Shiela at naikwento nito ang kanyang sitwasyon.

Inamin ni Atty Acosta na biktima rin si Shiela sa pambubugbog ng kanyang namatay na asawa at nagkaroon ng depression.

“ nagkakaroon kasi ng battered wife syndrome”ani Acosta.

Dahil dito ani Acosta may depensa pa umano si Shiela sa kanyang kaso.

“sa tingin ko may defense pa without pre-empting the courts decision merong depensa kasi kapag ang babae laging binubogbog, ginugotom sinasaktan pati ang bata tapos iniwan pa sumasa sa ibang babae nagkaroon ng anak sa iba tapos mas kampi ang pamilya ng lalaki kaysa tunay na asawa, nakakapraning talaga yon para sa isang babae kaya meron tayong anti bouncy law tayo eh “ dagdag pa ni Acosta.

Hawak ng dalawang private lawyer ang kaso ni Shiela pero hirap na silng bayaran ngayon ng kanyang ina ang pambayad sa pribadong mga abogado.

Nakahanda namang tulungan ng PAO si Shiela kung kailangan na nito ng tulong.

Paalala naman ng PAO sa mga katulad ni Shiela na isumbong agad ang kaso at sitwasyon sa mga awtoridad kagaya ng sa mga barangay o kaya ay sa public attorney’s office na mismo sa kanilang hotline na 929-9436 para hindi na humantong sa karahasan ang kaso.

10/17/11 – 4pm